Thursday, July 8, 2010


nami-miss kita...
kahit na alam kong hindi naman dapat
nami-miss kita...
kahit na alam kong dapat hindi na
nami-miss kita...
kahit na alam kong wala naman sa'yo 'yon
nami-miss kita...
kahit na alam kong hindi ka rin naman sa'kin ganon
nami-miss kita...
sobra...

Friday, May 21, 2010

Hindi ko alam kung anong pang ginagawa ko dito sa site na 'to...
sinubukan kong aliwin ang sarili sa fb, luna, left4dead at kung anu-ano
para lang makalimot...
sa pagsusulat
sa pag-iisip
at mangarap ng gising..


makalimot?

nagawa ko ba?...
prang hindi naman ata

Thursday, January 14, 2010

bebe jelo's story




Sino ba ang magaakala na ang mataba at palangiting batang ito ay may sarili at kakaibang kwento... naiiba higit pa sa inanakala nyo!!!


... noong una hindi pa napansin ng pamilya nya na may kakaiba sa kanya... normal na baby kung tawagin nakikipaglaro...tumatawa pag nasisiyahan.. umiiyak pag nasasaktan... gaya ng nakagawian hinuhulaan na ang magiging kinabukasan ng bata, kung magiging ano ba sya paglaki.... artista, doctor, engineer, teacher o kahit pulitiko... lahat depende sa kilos o anong hilig gawin ng bata... eh pano kung hindi nila nahuhulaan, o kung wala silang nasasasabi. Di dahil walang alam gawin ang paslit... kung di dahil ang dami nyang kayang gawin...


saan ka ba naman makakakita na sa edad na anim na taon mas nauna pang nakapagbasa ng english kaysa sa magsalita ng tagalog... sa edad ng walong taon marunong ng mag spell "photosynthesis" at "fatigue" ng hindi tinuturuan... mas nadadalian syang magvideoke ng english at nalilito sa tagalog na kanta... sa edad na sampu kabisado na ang bansa ng buong mundo mga capital at mga lengguwahe nito... at ngayon sa edad na labing tatlo hindi na nalilito sa paggamit ng kahit anong cellphone units at marunong gumamit ng computer,.. hindi sa paglalaro kundi mag youtube, maginternet, pumasok sa kahit anong website na kabisado nya ng hindi humihingi ng kahit anong tulong... IMPOSIBLE?.. ISINUMPA?.. KAPANSANAN?.. KAPINTASAN?.. O SADYA LANG TALAGANG ESPESYAL?!


Siya si jelo, bunso kong kapatid... gaya nga ng sabi ko wala kaming alam nung una na naiiba sya sa mga batang kasing edad nya... hindi namin yun napansin hanggang sa umedad sya ng anim.. hindi pa sya nakakapagsalita nun wala kaming naririnig na kahit ano mula sa kanya.. eh sakto nagkasakit sya kinailangang dalhin sya sa ospital para ma-checkup... pag kadala namin sa kanya sa ospital, walang ginawa ang duktor kundi titigan lang sya, ang kilos at galaw nya... hinahawakan sya ni doc at sinubukang i face to face... "hindi sya nakikipag titigan... hindi sya marunong..." sabi ng doktor. "Doc. bulag po ba ang anak ko?!?" tanong naman ng nerbyosa kong nanay. "naku misis hindi po! tignan nyo" pumalakpak ang duktor sa harapan ni jelo at kumukurap naman ito agad. "pero doc. hindi pa po sya nakakapag salita,.. six yrs. old na po sya eh" usisa na naman ni mama.. Agad pinadila ng doktor si jelo at ininspeksyon ang tenga nya... "wala namang problema" tinitignan nya uli si jelo ng mga oras na 'yon mas matagal at mas malalim kaysa nung una... "misis wag ho kayong magalala,.. hindi sya bulag, pipi o kung ano pa man... mahuhuli lang sya ng pagsasalita kumpara sa ibang bata... hindi sya nalalayo sa marami pero hindi sya normal at magugulat kayo sa mga makakaya nyang gawin,.. alagaan nyo lang sya gaya ng pagaalaga nyo sa mga anak nyo, pero itrato nyo syang espesyal higit sa kanino man" sabi ni doc. "ha?! normal sya pero kakaiba... magugulat kame sa mga kaya nyang gawin? pang perya ba ang mga talent ni jelo?... alien ba sya?... anak ng engkanto o ano?... naguguluhan ako dok!?!" pabulong kong sinabi sa king sarili. "E doc ano ho ba si jelo, ano ho bang sakit nya?" sagot naman ng nanay kong kanina pa namumutla sa nerbyos. "AUTISM"... " si jelo po ay isang autistic... mild autism".... pagtatapos ni dok.



..... Broken Hearted ba ako?!?,...
hindi naman yata!!... hehehe!!!






Ang mga sipi mula sa libro ni BO ay kinuhanan ng permiso.

Gusto mo nito? kuha ka na ng
komski kowtbox!

Sunday, January 3, 2010

my new years resolution!!




Hala... 2010 na pala... ilang taon ko nang ginagawa ,to
pero hindi naman na-a-accomplish lahat..
oh heto pa ulet!!!


HERE'S MY NEW YEARS RESOLUTION [2010 version]


* maging babae!!!
maging mahinhin.. bawal ang palaging tumatakbo hindi araw-araw may marathon!!!

bawal sumigaw ng bongang-bongga pag may tinatawag sa labas! talk smoothly kumbaga...

maglakad ng maayos... hindi yung parang umaakyat sa bundok o nagaararo sa palayan!!! finness ba!

magsuklay...magsuklay...magsuklay...
kulot na nga hindi pa susuklayin!!! pasaway!

tumawa ng mahinahon... hindi ung parang mamamatay na bukas.. libre yan, walang garapalan.

*iwasan ang "the Bar" "matador" at "tanduay grapes"
minsan lang naman pag may okasyon eh.. pero bad pa rin daw... sabi nga ni binoy..."BE A LIVER LOVER BOY!!! teka hindi ako boy!!.. babae ako!!! kulit!!

*iwasang mapadaan sa L.C.. BROTHERS.. BABEBI..CLICK @ ME... at sa kung saan-saang compshop
hayaan nalang ang mga account sa luna at cabal.. iwanan na din ang left4dead,cs,sf at crazykart!!! naku 'teh adik ka na!! facebook nalang pwede!!!

* huwag hayok sa pagkain
tantanan na ang bangus-fish cracker, kropek.. nilagang itlog at burger sa tindahan... wala na lugi na!!!

tigilan na rin a kakatanong kung kelan magbubunga yung puno ng mangga...kaya hindi namumunga nsa puno palang sinusungkit mo na!!

*tigilan ang kaka-lakwatsa
Wala ka na ngang pera.. lakwatsera ka pa!!!

tantanan mo na ang mall.. comshop at padis point!!!

....psssttt... seryoso na to mga 'tol.. ay mga girls & guys pala..
*magseryoso
*mag-aral para...
*magtrabaho para
*magkasyota!!! hehehe joke!!
*at wag lang maniwala sa motto na "suswerihin ka din!!"
...
hindi ka aantayin ng mundo dahil lang nagpahinga ka... pwedeng kang magpahinga habang buhay pero darating din ang panahon na pagsisisihan mo ang panandaliang pahingang yun!!!










Friday, January 1, 2010

bagong taon.. dapat bagong buhay...



Bakit kaya ang hirap magpaalam sayo?!?
bakit sa tuwing iisipin kong aalis ka na
hindi pa rin ako makapaniwala...
parang maiisip ko ngayon
tapos bukas aasang andyan ka parin...

naging bahagi ka na ng mundo ko
ng sistema ko....
ng isip ko.......
ng paningin ko......
at ng buong buhay ko...

buong buhay ko
akala ko hindi ka mawawala
hindi ka aalis
hindi mo ko iiwan...

isang linggo nalang
isang linggo pa
isang linggo pa sana....
uulit-ulitin kong dadasalin 'to
hanggang handa na ko
sa pagalis mo!!

pero masabi ko man un sayo alam kong
wala din akong magagawa..
hindi ko hawak ang buhay mo
lalong hindi ko hawak ang puso mo...
wala akong pinanghahawakan sayo na kahit ano...
kahit ikaw...

hahayaan kitang umalis...
syempre para sa kinabukasan mo!!

at ako...
sisimulan ko ang taon ng hindi
ka na makikita..
mahirap pero kaya naman yata eh..
para naman sa kinabukasan ko!!

...bagong taon, dapat bagong buhay...
... tama!!
dapat din...

bagong ako!!


"hindi naman ako magbabago...
mawawala lang yung dahilan kung bakit kailangan kong pangalagaan yung image ko!!"