Thursday, January 14, 2010

bebe jelo's story




Sino ba ang magaakala na ang mataba at palangiting batang ito ay may sarili at kakaibang kwento... naiiba higit pa sa inanakala nyo!!!


... noong una hindi pa napansin ng pamilya nya na may kakaiba sa kanya... normal na baby kung tawagin nakikipaglaro...tumatawa pag nasisiyahan.. umiiyak pag nasasaktan... gaya ng nakagawian hinuhulaan na ang magiging kinabukasan ng bata, kung magiging ano ba sya paglaki.... artista, doctor, engineer, teacher o kahit pulitiko... lahat depende sa kilos o anong hilig gawin ng bata... eh pano kung hindi nila nahuhulaan, o kung wala silang nasasasabi. Di dahil walang alam gawin ang paslit... kung di dahil ang dami nyang kayang gawin...


saan ka ba naman makakakita na sa edad na anim na taon mas nauna pang nakapagbasa ng english kaysa sa magsalita ng tagalog... sa edad ng walong taon marunong ng mag spell "photosynthesis" at "fatigue" ng hindi tinuturuan... mas nadadalian syang magvideoke ng english at nalilito sa tagalog na kanta... sa edad na sampu kabisado na ang bansa ng buong mundo mga capital at mga lengguwahe nito... at ngayon sa edad na labing tatlo hindi na nalilito sa paggamit ng kahit anong cellphone units at marunong gumamit ng computer,.. hindi sa paglalaro kundi mag youtube, maginternet, pumasok sa kahit anong website na kabisado nya ng hindi humihingi ng kahit anong tulong... IMPOSIBLE?.. ISINUMPA?.. KAPANSANAN?.. KAPINTASAN?.. O SADYA LANG TALAGANG ESPESYAL?!


Siya si jelo, bunso kong kapatid... gaya nga ng sabi ko wala kaming alam nung una na naiiba sya sa mga batang kasing edad nya... hindi namin yun napansin hanggang sa umedad sya ng anim.. hindi pa sya nakakapagsalita nun wala kaming naririnig na kahit ano mula sa kanya.. eh sakto nagkasakit sya kinailangang dalhin sya sa ospital para ma-checkup... pag kadala namin sa kanya sa ospital, walang ginawa ang duktor kundi titigan lang sya, ang kilos at galaw nya... hinahawakan sya ni doc at sinubukang i face to face... "hindi sya nakikipag titigan... hindi sya marunong..." sabi ng doktor. "Doc. bulag po ba ang anak ko?!?" tanong naman ng nerbyosa kong nanay. "naku misis hindi po! tignan nyo" pumalakpak ang duktor sa harapan ni jelo at kumukurap naman ito agad. "pero doc. hindi pa po sya nakakapag salita,.. six yrs. old na po sya eh" usisa na naman ni mama.. Agad pinadila ng doktor si jelo at ininspeksyon ang tenga nya... "wala namang problema" tinitignan nya uli si jelo ng mga oras na 'yon mas matagal at mas malalim kaysa nung una... "misis wag ho kayong magalala,.. hindi sya bulag, pipi o kung ano pa man... mahuhuli lang sya ng pagsasalita kumpara sa ibang bata... hindi sya nalalayo sa marami pero hindi sya normal at magugulat kayo sa mga makakaya nyang gawin,.. alagaan nyo lang sya gaya ng pagaalaga nyo sa mga anak nyo, pero itrato nyo syang espesyal higit sa kanino man" sabi ni doc. "ha?! normal sya pero kakaiba... magugulat kame sa mga kaya nyang gawin? pang perya ba ang mga talent ni jelo?... alien ba sya?... anak ng engkanto o ano?... naguguluhan ako dok!?!" pabulong kong sinabi sa king sarili. "E doc ano ho ba si jelo, ano ho bang sakit nya?" sagot naman ng nanay kong kanina pa namumutla sa nerbyos. "AUTISM"... " si jelo po ay isang autistic... mild autism".... pagtatapos ni dok.



No comments: