Sunday, January 3, 2010

my new years resolution!!




Hala... 2010 na pala... ilang taon ko nang ginagawa ,to
pero hindi naman na-a-accomplish lahat..
oh heto pa ulet!!!


HERE'S MY NEW YEARS RESOLUTION [2010 version]


* maging babae!!!
maging mahinhin.. bawal ang palaging tumatakbo hindi araw-araw may marathon!!!

bawal sumigaw ng bongang-bongga pag may tinatawag sa labas! talk smoothly kumbaga...

maglakad ng maayos... hindi yung parang umaakyat sa bundok o nagaararo sa palayan!!! finness ba!

magsuklay...magsuklay...magsuklay...
kulot na nga hindi pa susuklayin!!! pasaway!

tumawa ng mahinahon... hindi ung parang mamamatay na bukas.. libre yan, walang garapalan.

*iwasan ang "the Bar" "matador" at "tanduay grapes"
minsan lang naman pag may okasyon eh.. pero bad pa rin daw... sabi nga ni binoy..."BE A LIVER LOVER BOY!!! teka hindi ako boy!!.. babae ako!!! kulit!!

*iwasang mapadaan sa L.C.. BROTHERS.. BABEBI..CLICK @ ME... at sa kung saan-saang compshop
hayaan nalang ang mga account sa luna at cabal.. iwanan na din ang left4dead,cs,sf at crazykart!!! naku 'teh adik ka na!! facebook nalang pwede!!!

* huwag hayok sa pagkain
tantanan na ang bangus-fish cracker, kropek.. nilagang itlog at burger sa tindahan... wala na lugi na!!!

tigilan na rin a kakatanong kung kelan magbubunga yung puno ng mangga...kaya hindi namumunga nsa puno palang sinusungkit mo na!!

*tigilan ang kaka-lakwatsa
Wala ka na ngang pera.. lakwatsera ka pa!!!

tantanan mo na ang mall.. comshop at padis point!!!

....psssttt... seryoso na to mga 'tol.. ay mga girls & guys pala..
*magseryoso
*mag-aral para...
*magtrabaho para
*magkasyota!!! hehehe joke!!
*at wag lang maniwala sa motto na "suswerihin ka din!!"
...
hindi ka aantayin ng mundo dahil lang nagpahinga ka... pwedeng kang magpahinga habang buhay pero darating din ang panahon na pagsisisihan mo ang panandaliang pahingang yun!!!










No comments: